Dalawang taon na ang nakaraan noong ako’y naging bagger sa SM para sa immersion namin noong high school. Gusto kong ikuwento ang aking karanasan sa pagiging isang bagger sa apat na bahagi: ang pagdama, ang emosyon, ang rason, ang wika.
Pagdama
Ang unang araw ng immersion ay ang pinakamahirap na araw sa lahat dahil ‘di pa ako sanay sa mga ginagawa ng bagger. Nang ako’y pumasok ng pasukan para sa mga empleyado ng SM Supermarket, sobrang dilim at dumi ng kapaligiran. Dahil sa dilim at dumi, na isip ko na hindi magiging masaya ang immersion ko. Nang ako’y papunta ng conference room kung saan kami bibigyan ng orentasyon, may narinig akong ingay galing sa konstruksyon at may na amoy akong mabahong isda galing sa kainan. Kahit na ang unang impresyon sa lugar at sa immersion ay hindi maganda, medyo masaya naman ‘yong unang araw ko sa pagiging bagger dahil na obserbahan ko ang iba’t ibang klaseng tao na bumibili ng mga pamilihan. Halos dalawang oras ako nagtatrabaho sa counter at nakita ko na ayaw na ayaw ng mga kustomer na magbayad ng 3.5 pesos para sa isang plastik dahil “my own bag” day sa SM noong araw na iyon. Nagagalit sila sa mga kahera at sinasabi nila na dinadaya sila ng SM dahil libre raw ang mga plastik sa ibang lugar. Napagtanto ko na madaming tao na ignorante dahil ‘di nila pinapakinggan ang mga anunsyo na “my own bag” day ‘yon.
Emosyon
Sa pangalawang araw ng aking pagiging bagger, may isang karanasan na nagkaroon ako ng halo-halong emosyon. Noong dumami ‘yong mga namimili ng pamilihan sa SM, kami ng partner ko’y nagbabantay ng apat na kahera dahil kulang ‘yong mga bagger, pinuri kami ng mga kahera dahil nakita nila na napakasipag namin at magaling na raw kami magbag. Napakasaya ko noong pinuri kami dahil pakiramdam ko na natupad na ang layunin ko sa immersion – matuto magbag. Pagod na pagod na ako at may isang dumating na kustomer na napakasungit. Intsik siya at sinabihan ako at ‘yong kahera na ayusin dapat namin ‘yong trabaho namin at kung hindi maayos ang pagbag namin ng gamit niya magagalit daw siya. Gusto raw niya ng isang plastik bag para isang klaseng gamit, kaya’y umalis siya na may limang plastik bag kahit na ‘di lalampas ng sampu ‘yong binili niya. Pakiramdam ko na ginigipit ako ng kustomer na ‘yon, pero nalaman ko na marami palang mamimili na maarte gaya ng matanda na ‘yon. Madami talaga akong emosyon na nararamdaman noong araw na ‘yon dahil ang daming nangyari at pangalawang araw palang ‘yon.
Rason
Pinakanakakaakit na araw ‘yong pangatlong araw dahil madami akong iba’t ibang trabaho nagawa. Nang ako’y nagtatrabaho sa iba’t ibang stasyon, nakita ko na napakasipag talaga ng mga trabahador ng SM dahil takot silang mawalan ng trabaho. Napagtanto ko na kailangan nating mga maykaya na bigyan ng halaga ‘yong ginagawa nila dahil gagawin nila ang lahat para lang mapakain ang kanilang pamilya at mapa-aral ang kanilang mga anak.
Wika
Sa huling araw ng immersion namin, na buksan ang aking mga mata sa bagong mga abot-tanaw dahil sa mga sinabi sa akin ng mga trabahador sa SM. Sinasabi nila na napakahirap daw ng trabaho nila at ginagawa lang nila ito para mabuhay. Pinasasalamatan din nila kami dahil tinulungan namin sila ng ilang araw. Sabi nila na kahit sandali lang kami nagtrabaho roon, masmagaling pa kami sa mga tamad na empleyado. Naramdaman ko ang mga nararamdaman ng mga empleyado noong sila’y nagkukuwento sa akin. Ang trabaho nila’y hindi pinasasalamatan at ang laki ng utang na loob ko sa kanila dahil ang dami ko talagang natutunan sa mga payo nila sa akin tungkol sa buhay.